Wednesday 1 June 2011

Ang buhay ay parang SWIMMING :)

Ang buhay ay parang SWIMMING :)

Two nights in a row kami nagswimming ng aking mga pinsan at pamangkin. Atleast, before the end of summer, na-experience ko ang lumangoy-langoy at mag-enjoy sa ilalim ng tubig. :)

Ang buhay ay parang SWIMMING. Why? Well, marami akong reasons for that.

#1 Remember the quote “Flow with the current, but go against the bad tide?” Hindi naman kailangan maging professional swimmer eh, pero kung alam mo kung kelan ka dapat huminto at bumalik na sa dalampasigan, mabubuhay ka sa tubig.

#2 May mga limitations pa rin. There will always be that line that will say “you have gone too far, go back.” Huwag kasi tayong masyadong pasaway. Do not be blinded by the challenge of going further. You have to think of your safety, too.

#3 In connection with number two, huwag nating pilitin ang ating mga sarili. Kung alam mong wala ka pang 5 feet, huwag ka nang umasang kaya mo pa sa 6 or 7 feet. Unless magaling ka nga talagang lumangoy, huwag subukang ipahamak ang sarili.

#4 SA MALAYO AY MAY PATING. Meron talagang mga pating at iba pang mga mababangis na hayop, kaya kung hindi ka mag-iingat, baka mawalan ka ng paa or braso, o kaya nama’y malamon nang buo.

#5 Para maenjoy ang buhay, minsan kailangan mo talagang maka-inom ng chlorinated water ng pool o kaya naman ng contaminated water ng dagat. Parte yun ng buhay, kung hindi mo iyon mapagdadaanan, hindi ka magiging masaya. Wala nang thrill. These kinds of pain are part of swimming. There is no happiness in swimming without them. :)

#6 May mga oras na sasakit talaga ang mga mata mo sa pagmulat ng mga ito sa ilalim ng tubig. Huwag mabahala. Mabuti nang sumakit ang mga mata, kesa mapariwara o mawala sa landas. Mahirap nang mapalayo kapag asa ilalim ka ng tubig. Marami ngang pating, diba? :)

#7 Always swim with friends or family. Ano ang silbe ng paglalangoy ng mag-isa? Kanino ka magpapakitang-gilas? Sino kasama mong lumangoy? Kanino mo masasabing “Masaya pala” kung wala ka namang kasama? GRABEEEH. BAWAL ANG EMO SA LIFE.

#8 At syempre, the most beautiful analogy I can think of between life and swimming is laging mayroong Lifeguard. Hindi ka Niya pababayaan. Kung nagkamali ka man, andiyan Siya. Kung nalulunod ka man, itry mo lang sumigaw o magtaas ng kamay, darating Siya. No doubt.

Hindi ko na ie-expound. Pag-isipan na lang.~

No comments:

Post a Comment

So, what do you wanna say? :)