Tuesday 10 May 2011

Isipin mo na lang


Dahil nawalan ako ng napakaimportanteng bagay, masama ang loob ko. Sobra. Hindi maipinta ang mukha ko sobrang kunot at sobrang simangot. Parang napakalaking issue sa akin ang nangyari. Pero naisip ko:

Atleast hindi bahay ko ang nawala. Hindi kami nasunugan at walang nasaktan. Hindi naman ako nawalan ng mahal sa buhay.

Hindi ako gutom sa kalye at namamalimos. Hindi ko inaalala ang sakit ng tiyan at hindi ko pinag-iisipan kung saan ulit kukuha ng pera upang makakain. Hindi ako kapus-palad.

Wala akong cancer. Wala akong anumang malalang sakit na makakapagpaikli ng aking buhay. Marami pa akong panahon.

Hindi ako natutulog sa kalsada. Hindi ako natutulog sa simento. May kutsyon kami sa bahay at may unan akong yakap gabi-gabi.

Hindi ako lumaki sa bundok o sa lugar na malayo sa komunidad. Marunong ako at matalino. Isa akong iskolar at marami pa akong malalaman. Magaling ako at may maipagmamayabang na hindi nabibili ng pera o nanakaw sa tindahan.

Marunong akong mag-computer/laptop, mag-photoshop, gumamit ng digital camera, DSLR, microwave oven, mag-switch ng aircon, mag-internet, mag-blog, mag-plurk, mag-twitter, mag-Fb, manamit ng hindi baduy, nakakaintindi at nakakapagsalita ng English fluently, at idagdag niyo na lahat ng dala ng teknolohiya.

Atleast, panandalian lamang itong problema ko. Desisyon ko na kung magiging malungkot ako ng mahabang panahon. Pero, kung iisipin, marami pa akong magagawa.

May nanay akong nagmamahal sa akin. May kapatid akong nangungulit araw-araw. May mga kaibigan akong umiintindi. May mga kaaway akong backstabbers non-stop. May mga teacher akong nagmo-motivate. Meron din namang kinamumuhian ko (minsan). May mga naiingit sa akin. At may mga kina-iinggitan din ako. Sikat ako. Haha.

May Diyos ako. At takot ako.

Hindi naman namomroblema ang mga kaibigan ko, yung mga hindi kumukuha ng mga litrato at video kaya wala silang dapat mawala. Iisipin ko na lang, na wala akong kinuhang video, wala akong kinuhang litrato, wala akong nawala. Kunwari, ganun na lang.

Dahil lahat naman ng laman nun, ako ang kumuha, ako ang nagpinta, ako ang pinagmulan, kung nawala man lahat ng iyon, hindi naman nawala ang talento at abilidad ko.

Buti na lang at yun lang ang nawala sa akin. Tatlong taon lang naman yun eh at hindi nakakamatay. May mga taong lahat ng mga gawa nila ay nawala, lahat ng dalawampung-taon na pinaghirapan nila. May mga taong ibibigay ang kahit ano para malagay sa kinaroroonan ko. Maswerte pa ako.

At~

**drama mode** Kahit masakit man sa aking kaloob-looban na nangyari iyon na parang gusto ko na ring mawala, hindi ko maitatagong nangyari naman ang lahat ng iyon, hindi naman iyon imahinasyon, nakatatak na iyon sa isip ko at nakaukit sa panahon. Hindi ko man maaalala ang mga nangyari sa pagtingin sa mga litrato at video, nakatago naman sila sa isang silid sa isipan ko, sa hypothalamus man o sa amygdala, hindi sila mabubura. **the end**

No comments:

Post a Comment

So, what do you wanna say? :)